Ang mga natatanging kaugalian ng Pilipino ay marami ngunit bago natin malaman ang mga natatanging kaugalian ng pilipino, kailangan muna natin malaman ang kahalagahan at paano ito makakatulong sa pagkatao natin.

    Bilang isang Pilipino napakahalaga para sa Pilipino ang mga kaugaliang ito. Mahalagang isinasabuhay ang mga kaugaliang ito, dahil ito ay nakakabuti para sa lahat ng Pilipino. Nakakabuti din ito para sa mga daarating na henerasyon katulad ng mga bata, at upang makapagbigay inspirasyon ito sa mga taong hindi alam kung gaano kahalaga ang mga natatanging kaugalian ng Pilipino. Ang mga natatanging kaugalian ng Pilipino ay nakakatulong sa atin upang tayo ay pigilang o maiwasan nating makagawa ng mga mali katulad ng Paggawa ng masama sa mga tao. 

    

    Ang mga Natatanging Kaugalian ng mga Pilipino:

1. Mabait - Ang pagiging mabait ay isa sa mga pangkaraniwang kaugalian ng Pilipino. katulad ng sumusunod tayo sa bilin ating mga magulang, nagsasabi ng totoo, kinokontrol natin ang ating galit , pag-aalaga sa taong may sakit, atbp.





2. Matulungin - Ang pagiging Matulungin ay napakahalagang kaugalian para sakin bilang isang Pilipino dahil kapag walang matulunging tao maraming tao ay susuko at maapektohan ang kanilang buhay. Ang mga Doctor, Bombero, Police tungkulin nilang tumulong sa mga tao.

                        



3. Mapagbigay - Isa din ito sa pangkaraniwang natatanging kaugalian ng Pilipino. Maraming tao ang mapagbigay katulad na lamang na mapapanood sa GMA si kuya Willie Revillame siya ay namimigay ng tulong kapag ikaw ay napili. 

                    



4. Magalang - Lagi nating tandaan na napaka importante ng pagiging magalang lalo kapag ikaw ay bata palang. 




5. Madasalin -  Ang pagiging madasalin ay napakahalaga at pinaka-importante sa lahat. Dahil tayo ay nagdadasal sa panginoon. 


Tandaan: Bilang isang Pilipino dapat nating pahalagahin ang natatanging kaugalian ng Pilipino.





    

    




Comments